Saturday, August 21, 2010

jejemons dance

Ang jejemon ay nagsimula lang sa mga kakaibang salita o spelling sa text message at pananamit saka ang makulay na sumbrero na nakapatong lang sa buhok na halos mahulog na at panyo na natali sa leeg na parang holdaper lang at saka pala yung mga butches na kulang na lang ay punuin ang bag na halos hindi na makadaya dahil sa bigat ng mga butches. nakaraan nauso naman ang jejemon song dahil sa kasikatan nga ng jejemon gumawa na din sila pati sayaw na ang tawag ngayon ay jejemons dance.

Ang jejemons dance ay kakaibang sayaw sapagkat ang mga taong sumasayaw nito ay mga nagmumukhang tanga.  hindi man nila ito halata pero marami na ang mga nakakapasin nito. lahat ng tao ay pedeng sayawin ito kahit na bata, matanda may ngipin o wala. mukha nga lang tanga o weirdo. hindi din naman masama ang jejemons dance kasi pede itong pang-eherisyo o katuwaan lang. pagsinaway mo ito maaaring maging sakit mo na ito at maka-impluwensya ka pa sa ibang tao. gaya na ngayon madami na ang nahuhumaling sa jejemon kaya agad itong sumikat sa pilipinas. mapa bata o matanda ay alam na ito at meron na din nitong palabas sa T.V.

No comments:

Post a Comment